Sunday, June 19, 2011

Global Ekonomik Kraysis

”Global Ekonomik Kraysis”


Wanted: Trabaho!
‘Uy!? Ano ‘to, trabaho? Talaga namang sinuswerte ka nga naman”
Iyan si Juan ang taong palaging naghahanap ng trabaho. Talagang masipag si Juan sa paghahanap ng trabaho. Hindi siya namimili ng trabaho kasi para sa kanya ay ang pagkakaroon ng trabaho ay makakatulong sa kanya sa pagpaparami ng mga karanasang trabaho. Ang ilan sa mga trabahong napasukan na niya ay ang pagiging isang waiter sa sikat na Japanese restawrant, iyon ang gusto niya subalit naging janitor lamang siya dahil sa nakabasag siya ng isang mamahaling gamit, kaya na demote. Naging isang clerk rin siya sa opisina subalit napagbintangan siya na nagnakaw sa isang mamahaling vase sa opisina ng Institute Librarian sa isang sikat na unibersidad sa Iligan. Namasukan rin siya bilang isang manager sa isang manokan na restawrant pero naging isang taga-ihaw lamang siya dahil sa ninakaw ang ilang mga bote ng softdrinks kaya na demote na naman. Kaya talagang hindi namimili si Juan sa kung anong trabaho dahil kahit anong trabaho, malaki man o maliit ang sweldo basta ito’y mabuti at hindi galing sa masama ay marangal na iyon. Iyan si Juan ang masipag at hindi namimili ng trabaho.
Marami na rin syang sinubukang kumapanya, institusyon at tao ngunit makailang ulit din syang bigo
At isang umaga habang nagmamadali papunta sa kanyang inaasahang trabaho bilang isang supervisor sa isang malaking kompanya sa Cagayan de Oro, itago na lang natin ito sa pangalang “Gatasan Inc.”.
            “Excuse me..?” sabi ng isang empleyado o gwardya na may mapanghusgang tingin.
            ”Ano na naman ang problema manong gard? I.D lang ba. Nakita mo ‘to. I.D. ko yan! JUAN KRUZ gusto mo pa I-espel ko pa? JA-U-A-NA-KA-RA-U-ZA. Alam mo ba yon? Alpabetong Pilipino yon. Huh!?” buong pagmamalaki ni Juan sa gwardya.
            “Ah!? Okey, tumuloy ka na”
            Siya ay pumila ng agaran sa napakahabang hanay ng mga nais mag-aplay sa naturang kumapanya tulad niya. At dumating ang kanyang pagkakataon, ngunit laking gulat niya.
            “Anong pangalang?” tanong ng babae sa kanya.
            “Ah, Juan Kruz po” sabay abot ng resumẻ sa babae.
Pakarinig pa lang ng pangalan ay agad na itong sinabihan siyang maari na siyang umalis.
“Nagpadala ng “order” ang pangulo na huwag tanggapin at agarang paalisin ang taong nagngangalang Juan Kruz dahil sa pambabastos sa kanya”
Pagkamalas-malas nang tadhana ng lalaking ito, aminado sa pagkakamaling nagawa lumabas siya ng silid na na kayuko sa kahihiyan.
            Kaya mula sa opisina ay naglakad ito papuntang syudad. Sa kakalakad niya ay nakita niya ang karatulang: WANTED: TRABAHO! Agad-agad niyang hinanap ang address na nakalagay sa karatula. Pinuntahan niya ang address hanggang sa nakita rin niya ang parehong karatula at siya’y pumasok.
Ah eh, gard, gusto ko sanang mag apply?” na may buong galang.
Ah ganun ba? Okey, magbabayad ka muna para makapasok.”
”Magkano naman?”
”60 pesos”
”Ha? Ang mahal mahal naman. Hindi naman ako pumunta rito para magbayad. Pumunta ako rito para mag apply.?”
”Oo, nga. Kaya magbayad ka muna.” sabi ng gwardya.
“Pambihirang buhay ‘to oh.!” Naibulong na lang niya sa sarili.
            Pumasok na si Juan sa loob ng establisyamento. Ngunit panay ang sigaw niya dahil sa madilim ang lugar. Buong akala niya ay ang trabahong naghihintay sa kanya ay isang taga-ayos sa mga sirang bombilya o iyong electrician. May nakita siyang mga taong nasa madilim na lugar habang may kasamang mga kapwa lalaki. Marami at ang iba’y tig-iisa. Pumasok si Mark at buong akala nayang isang electrician, ay isa palang tiga-opereyt ng pelikula sa isang sinehan na puro kabastusan ang palabas.